Happy New Year 2008!
Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Disyembre 31, 2007
Well, as the title says… Happy New Year 2008!
Hangad ko ang kaligayahan at kasaganaan nating lahat sa darating na bagong taon.
Para sa ating bansa, hangad ko ang kapayapaan at kaunlaran. Bawasan ang sobrang pamumulitika, bangayan at pagtuturuan.
Para sa Philippine Anime, hangad ko naman ang mas maraming bagong titles. Kung may rerun eh sana ay huwag namang gasgasin. Maayos na pagpapalabas at pagda-dub. Mapa-local TV o cable TV, sana ay maging maganda ang takbo.
Sa bagong taon na ito, asahan ninyo na magsisipag na ako sa pagsusulat ng mga balita at komentaryo sa larangan ng anime.
Again, happy new year!