ANIME KABAYAN: The Way “Eye” See It

The WordPress Edition

Masalimuot na Simula ng Taong 2008 sa Philippine Anime

Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Enero 4, 2008

Sinalubong nating mga Pinoy anime fans ang taong 2008 na may pag-asang magiging mas maganda sana ang takbo ng industriya ng anime sa ating bansa, mapa-saang TV network iyan, local TV o cable TV.

Pero ang mga balitang nakalap ng inyong lingkod at ng Zen Otaku Honbu ay sadyang nakakadismaya sa atin.

Matapos ang kagulat-gulat na paglipat ng buong anime block ng QTV 11 sa maagang afternoon timeslot mula noong Deecember 24, katanungan ngayon kung anong anime series ang papalit sa Hikaru no Go na katatapos lang nitong Biyernes ng hapon. Hindi na siguro big deal kung isang rerun anime ang ipapalit dito. Pero paano kung bagong title ang isasalang?

Katanungan din kung ano ang takbo ng schedule ng QTV 11 oras na isalang na ang pinakabago nilang foreign acquisition, ang American Idol. Ipapalabas na ito simula January 16 at 17, Wednesdays and Thursdays ng 6:00 pm. Masasagasaan nito ang mga programang Moms at The Sweet Life.

Pero hindi naman ako despair dahil nariyan pa rin ang Twin Spica sa weekend afternoons. Katanungan pa rin kung anime pa rin ang kukuha sa weekend 5:00 pm timeslot oras na matapos ang buong run nito.

Samantala, pagkatapos ng anunsyo ng ABS-CBN 2 ang pagbabalik ng Naruto, kasabay ng pagbabalik ng anime sa afternoon slot, mukhang disgrasya din ang haharapin ng morning timeslot nito. Nakatakdang ibalik sa ere mula sa maikling pagpapalabas noong July 2007 ang redubbed anime classic na Trapp Family Singers, na kukunin ang weekday 9:00 am timeslot kapalit ng panandaliang Christmas animation specials ng ABS-CBN 2. Ang Trapp Family Singers ay mag-uumpisa sa January 7.

Pero ayon sa nakalap na impormasyon mula sa Zen Otaku Honbu at sa ABS-CBN.com anime forums, mapupuno ang buong morning anime block ng mga classics. Nauna nang napaulat na muling ipapalabas ang redubbed anime classic na Cedie at Swiss Family Robinson sa loob ng buwang ito. Kung matutuloy ang 2 anime na ito sa nakatakdang petsa, malamang na lalaktaw ng 2 airing episodes ang Capeta at Cooking Master Boy.

Pero ang nakuha naming balita mula sa GMA 7 ang masasabi kong pinakadismaya. “Due to insistent public demand” DAW, ipapalabas ulit ang Ghostfighter. Nakatakda itong ipalabas ULIT simula January 14. Pero 5:00 pm ang Ghostfighter at aabante ang Initial D sa 5:30 pm timeslot. Una sa lahat, bakit “due to insistent public demand” pero wala naman akong ipinapahayag na gusto kong ibalik ito? Arya na naman ang GMA 7 sa mga gasgasing “tried and teste” animes nila. Sana nga lang ay i-rerun na lang ang Bleach, tulad ng kahilingan ni Jamibu, ang aking co-admin sa ZOH. Siguro, dapat halukayin ang iGMA.tv anime forums at ang PinoyExchange.com forum. Baka may mga nagpopost diyan, humihiling na ibalik ang Ghostfighter. Dapat silang busalan ng basahan iyan!

But despite all of this, naisip kong nag-uumpisa pa naman ang taong 2008. Meron kaming pinanghahawakang mga impormasyon mula sa ZOH na hangga’t maaari ay hindi muna namin ilalabas. Pero may mga forumer na handang maglabas ng mga inside reports para sa layuning huwag madismaya ang mga online users.

Dapat turuan ng leksyon ang mga gumagawa ng advertisement, lalo na sa inilabas ng GMA 7. Kasinungalingan ang sinasabing ibabalik nila ang Ghostfighter “by public demand”. They must know what animes must rerun by demand or not. Kumpara sa The Prince of Tennis sa QTV 11 noon na kumbinsido ako sa naturang term, na nadugtungan naman ng season 2 episodes.

Bago matapos ang komentaryo ko ngayong araw, isang kiliti…

Napakinggan ko kanina lang ang Super Kuwentuhan sa DZBB. Patuloy palang binabasa nina Fernan Gulapa at Orly Trinidad ang Mega Manila TV ratings data ayon sa AGB Nielsen.

Dito ko napatunayang HINDI na nababagay ang Koreanovela sa morning timeslot, na pinaghaharian ng mga animes.

Bakit? Noong December 27, tinalo ng Remi: Nobody’s Girl (ABS-CBN 2) ang One Million Roses (GMA 7).

Sapat na bang katibayan iyan para palitan ng anime ang Koreanovela sa GMA 7?

Kayo na ang humusga.

20 Tugon to “Masalimuot na Simula ng Taong 2008 sa Philippine Anime”

  1. imbestigador sinabi

    Well…di pa naman Katapusan….

    Hindi pa Kasi Nagugunaw ang mundo.

  2. animekabayan sinabi

    Ganun?
    Hehehe, sunud-sunod kasi ang mga bad news.

  3. imbestigador sinabi

    ^ Hindi po ako Ganun kadaling sumuko sa mga Bagay-bagay…..

    Hangga’t Hindi ko Nararamdamang Katapusan na ng Mundo…..Hindi pa tapos…. :)

    Nagpapaka-Praktikal lang :)

  4. animekabayan sinabi

    Naasar lang ako sa gamit na term na “due to insistent public demand” sa YYH. Hindi kapani-paniwala iyun.

  5. imbestigador sinabi

    But at least Nagkatotoo mga hula ko!!!

    Mag-iba na kaya ako ng Profession?…Manghuhula na lang ako sa Quiapo.

  6. animekabayan sinabi

    Ahh, huwag mo nang ituloy.

    Balak ng walisin ni Mayor Lim ang lahat ng mga vendors sa Manila. Sinampolan na yata niya ang Quiapo.

  7. imbestigador sinabi

    ^Ay ganun? Sige sa Mga tulay sa Fairview na lang kaya?

    Anyways…..Jan.14 na ito right?

  8. animekabayan sinabi

    Yes.

    5:00 pm ang YYH. So 5:30 pm naman ang Initial D.

  9. imbestigador sinabi

    ^Ay! mali ako….

    So Maaga ang YYH? Lolz!

  10. imbestigador sinabi

    ^Ay! mali ako….

    So Maaga ang YYH? Lolz!

  11. animekabayan sinabi

    Yes.
    5:00 pm ang YYH. Maliban na lang kung biglang putulin ang Initial D.

  12. imbestigador sinabi

    Lolz….hindi naman Maganda ang initial d eh…Itatapat nila sa naruto? Lolz

  13. animekabayan sinabi

    Well, maganda namang ang ipinapakita nito laban sa Pinoy Movie Hits (kung AGB Nielsen ratings data ang pag-uusapan).

    But I think oras na magkatapat ang Initial D sa Naruto, baka itapat na lang ito sa YYH.

  14. imbestigador sinabi

    Trivia: Did you Know That Ghost Fighter is The Philippines’ Highest ratings Anime of all Time [Registering a Single Episode Rating of 50.1%] And still….The Most watched anime in the Country.]

    And sa kasaysayan ng mga replays nito….Hindi pa ito natalo sa ratings game.

  15. imbestigador sinabi

    Well, maganda namang ang ipinapakita nito laban sa Pinoy Movie Hits (kung AGB Nielsen ratings data ang pag-uusapan).

    But I think oras na magkatapat ang Initial D sa Naruto, baka itapat na lang ito sa YYH.>/blockquote>

    Dapat lang kasi kung makakatapat ng Initial D ang Naruto…wala….talo na ang Una!

  16. animekabayan sinabi

    Yes. Nalalaman ko ang bagay na iyan. Napanood ko nga iyang ratings ad ng YYH noon.

    Despite na mababa na ang nakukuha ng YYH sa bawat rerun, hindi pa rin nga siya natatalo sa ratings against sa kung ano ang itapat dito.

  17. imbestigador sinabi

    Mababa?

    mababa pa ba ang 20-30% ratings These days?

  18. animekabayan sinabi

    Actually, noong last rerun nito, under 20% ang nakukuha ng YYH.
    Pero talo pa rin ang mga katapat nito.

  19. sNooZe-kun sinabi

    those rating are prolly “wala kaming mapanood na maganda” ratings

    since parents rule the afternoons and are gearing up for the 6pm news.

    they rather watch the anime they watched before (YYH in 13) than watch new ones that they don’t understand

    local anime dubs nowadays are in Jap-Fil-English form, unlike in YYH’s “pure” understandable 90’s Filipino.

    techniques in Naruto are left untranslated while in YYH’s even if somewhat inaccurate, they manage to present it in simple or partial english

    IMO even if naruto’s dub looks great, it’s still inferior to YYH’s dub

  20. chopper098 sinabi

    Talo pala ang one million roses ng gma sa remi ng abs? lolz…….

Mag-iwan ng Tugon

XHTML: Magagamit mo ang mga markang ito: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>