Goodbye Remakes? Welcome Back, Real Things!
Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Enero 17, 2008
Isang buong taon din siguro tayong naimbiyerna ng mga ginawang remakes ng ABS-CBN 2 at GMA 7 mula sa mga anime series na napanood natin noon.
Noong sumiklab ang balitang gagawa ang GMA 7 ng Telebabad remake ng Lupin III (through Lupin) and Sailormoon (through Super Twins), umani ng maraming negatibong reaksyon mula sa kampo ng mga Pinoy anime fans. Kasama ako sa mga nagalit. (Basahin ninyo ang Coincidental, Direk? I DON’T THINK SO! at Don’t Mess Up with Lupin III and Anime Fans!)
Umani rin ng iba’t ibang reaksyon nang gumawa ang GMA 7 ng remake ng Shaider (through Zaido) at ABS-CBN 2 ng remake ng Princess Sarah. Napapaulat pa nga na baka gumawa rin ang GMA 7 ng remake ng Flame of Recca, pero lumipas din ang isyu.
Mukhang sa umpisa ng taong ito ay hindi iinit ang mga tuktok ng ulo natin dahil walang anime remake na gagawin ang mga TV networks. Maliban na lang siguro sa Kung Fu Kids ng ABS-CBN na hinihinalang rip-off at mixed up mula sa ilang anime na naipalabas na sa channel 2 noon.
Napagtitiyagahan ko pa ring manood ng mga Power Rangers version mula sa Super Sentai series. Nariyan pa rin ang Power Rangers SPD mula sa Tokusou Sentai Dekaranger at Power Rangers Mystic Force mula sa Mahou Sentai Majiranger. Nandito rin sa bansa ang Sazer X, ang ikatlong Chouseishin series at Ryukendo.
Napapanood naman sa QTV 11 ang Saiyuki live action. Malapit na ring maipalabas ang Hana Yori Dango 2 at malamang ang susunod ay ang Detective School Q live action.
Pero sabi nga ni brother Genjo Sanzo, “Walang Power Rangers kung walang Super Sentai”. I hope one of these days ay muli tayong makakapanood ng mga palabas mula sa Japan. Not just animes, but sentais and J-Dorama as well.
Hmmm, I wonder kung nakatiwangwang lang ang mga J-Doramang nabili ng ABS-CBN? Kailangan nilang sulitin ang ginastos nila para dito.
sNooZe-kun sinabi
they did a crappy job on their 2007 Little Princess remake. the 1995 movie is much better IMO
when I first saw it.. my initial reactions are “WTF? Pirates?”, and “lol trying hard musical”
I’d rather watch Little Princess’s mecha remake for the lulz
imbestigador sinabi
Yung J-Doramas ng ABS-CBN,Di raw totoo since Korean at Taiwanese Dramas lang ang Kinukuha nila…..
Sentai Programs lang ang Kaya nilang Bilhin…..At Lahat ng Yun,Pinalalabas nila sa Hero TV…..
Kumpara kasi sa Sentai,Almost A Million ang Pinaka-Murang Copyright for a Live Action J-Dorama…..Copyright Lang yun ha!
imbestigador sinabi
What Little princess?
Anime Kabayan sinabi
Yung Princess Sarah remake ang tinutukoy niya…
imbestigador sinabi
^Ah……
Anyways,napanood ko yan sa YouTube….IMHO…Ang OA ni Sheryl Cruz dito….