Anime Kabayan: EYEWATCHER

The WordPress Edition

Thank You Po! ^_^

Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Enero 25, 2008

Noong inumpisahan ko ang WordPress edition ng AK: TWESI, sinikap kong maging iba ang edisyong ito sa iba ko pang blog account. Dito kasi sa aking WordPress edition, pinagsama ko ang aking mga opinyon sa mga anime issues at dito ko rin ipinopost ang mga anime news at ZOHNe TV videos (bukod sa Zen Otaku Honbu News blogsite).

Sa pag-uumpisa ng blog na ito, noong January 4 ay nakakuha ako ng 83 views. Ang aking post na “Masalimuot na Simula ng Taong 2008 sa Philippine Anime” ang responsable dito. Doon ay natuwa ako sa naging positibong feedback.

Pero kahapon lang, January 24 ay nagulat ako sa aking nakita:

thankyou11.jpg

Wow! Umabot sa mahigit 100 views ang aking blog sa naturang araw na iyon. Nang usisain ko kung bakit:

My Blog Views

Hehehe, mantakin mo… Ang isang pinaka-sensitive na topic that involves a Japanese metal hero series na ginawan ng remake ng GMA 7 ang makakakuha ng pinakamaraming views. Second place naman ang tungkol sa mga dubbers na sumali sa Eat Bulaga, dapat lang na i-post ito to honor the dubbers na nagbigay-buhay sa mga foreign shows via Tagalog-dubbing (specially animes!).

Hayaan ninyong magpasalamat ako sa lahat ng mga Pinoy online users na naglaan ng sandali para tingnan at basahin ang aking blog. Pinaka-suki sa lahat dito ay si Imbestigador . Siya ang dahilan kung bakit ako gumawa ng aking WordPress account. Para hindi na ako anonymous kada nag-rereply ako sa kanyang mga posts. Hindi man ako makapag-post sa iGMA.tv ay sana ay nakakapag-share ako ng aking mga pananaw sa mga isyu sa anime dito sa Pilipinas.

Wish ko lang, huwag sana kayong magsawa sa pagbisita sa blog ko.

Again, thank you po!

Mag-iwan ng Tugon

XHTML: Magagamit mo ang mga markang ito: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>