Dalawang TV ads, may Cosplay!
Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Enero 29, 2008
Kung natitiyempuhan ninyo ang mga patalastas na ito, malamang iisipin ninyong ordinaryo ang pagkakagawa nito. Pero may mga nakapuna ng konsepto na kinopya para gawin ang mga patalalastas na ito:
Rebisco Hansel Crackers
Rebisco Combi Crackers
Yes. Ayon kay Zen Otaku Honbu Co-Senior Moderator soulassasin547, ang commercial ng Combi ay kinopya ang konsepto ng Kill Bill (particular sa dalawang babae) pero ang uniform naman nito ay mula sa Ouran High School Host Club (ang unang tingin ko dito, sa Tenjho Tenge galing ang uniform). Seifuku rin (Japanese term for uniform) ang naging basehan ng suot ng mga babae sa Hansel commercial.
Nagi sinabi
Yeah, I saw this TVC too. Lol. It was fun seeing this.