QTV 11: Tsubasa Chronicles SEASON 1 Returns
Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Pebrero 28, 2008

Sa ikalawang pagkakataon sa QTV 11, muling ipapalabas ang Tsubasa Chronicles SEASON 1.
Ang Tsubasa Chronicles ay mula sa grupong CLAMP, na siya ring nasa likod ng mga anime series na Magic Knight Rayearth (MKR), Card Captor Sakura (CCS), Angelic Layer (AL) at Chobits. Ang MKR ay unang ipinalabas sa ABS-CBN 2 noong 1996 at nalipat naman ito sa GMA 7 noong 2001. Ang CCS naman ay unang napanood sa ABS-CBN 2 noong July 2001 at nasaksihan muli sa GMA 7 noong 2006. Ang AL naman ay napanood sa ABS-CBN 2 noong July 2005 at sa Hero TV mula noong August 2005. Samantala, ang Chobits ay kasalukuyang nasa ilalim ng Animax Philippines’ anime roster.
Kilala ang naturang anime at manga series ng CLAMP dahil ang mga tauhan nito ay mula sa iba’t ibang nilikha ng naturang grupo. Sina Sakura, Shaoran (mula sa Card Captor Sakura), Kurogane at Fai ang mga main cast ng Tsubasa Chronicles.
Sa kasalukuyan, ongoing pa rin ang manga series nito. Ang anime series naman ay umabot na sa season 2. Mapapanood muli ang Tsubasa Chronicles sa QTV 11 simula March 1. Tuwing Sabado at Linggo, mula 11:00 pm hanggang 12:00 mn.
manaka_junpei sinabi
sana naman, mai-update agad na yang info sa ANN as of today, sana may nag-contribute more info sa ANN, nangangawit na ang kamay ko, sana maipalabas ang season 2, we’re not ready for the OVA version “Tsubasa Tokyo Revelation” yet
Anime Kabayan sinabi
Hindi ako umaasang madudugtungan ito ng season 2. Kung hindi ako nagkakamali, out of country si Mr. Crisolo. Maliban na lang kung papalitan siya ng ibang dubber na gaganap sa papel niya.
manaka_junpei sinabi
sino kaya puwede makaalam ang info, can Jamibu tells
dasnin sinabi
alam nyu fav ku talaga ang tsubasa
4 character and story!
i luv it very much!
sana tapusin i2 sa tv!
grabe kilig aku!!!!!!!!!!
ingrid sinabi
GAWD . .
Putol nmn xa QTV un Tsubasa . .
gRrRR . .
gerald urna sinabi
favorite anime q un tsubasa. gus2 q mLman kun may season 3 pa kxe bitin e.. sna meron p hanggang ending tLga kxe mhaL q ang tsubasa.. thnx u!