Balasahan sa Programming ng Animax Philippines Simula April 2008!
Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Pebrero 29, 2008
Sa anunsyo ng Animax Asia sa pamamagitan ng kanilang website, simula sa buwan ng April 2008, magkakaroon ng malaking pagbabago sa programming ng Animax Philippines.
Makikita sa kanilang programming format (na nakalarawan sa ibaba) ang mga magiging pagbabago ng timeslots ng mga anime series na palabas sa Animax Philippines. Kapansin-pansin ang pagbabalik ng 5-episode encore run ng naturang anime channel sa weekends. Bukod sa Futuristic Monday, may titulo na rin ang para sa araw ng Wednesday at Thursday. Naging Supernatural @ 10 na ang sa kasalukuyang Supernatural @ 8.
Abangan sa darating na April ang kabuuan, ang bagong 24-hour programming ng Animax Philippines.
