Posted by Anime Kabayan on March 31, 2008


Inanunsyo na ng GMA 7 sa kanilang advertisement nitong umaga ang pagpapalabas ng kanilang pinaka-latest anime acquisition - ang Mushiking.
Ang Mushiking ay mula sa inspirasyon ng arcade card fighting game. Ito ay inilunsad ng SEGA noong taong 2003 at sa kasalukuyan ay patok pa ring laro sa bansang Japan. Ayon sa impormasyon, sa unang taon nito ay nakabenta ang larong ito ng mahigit 33 milyong cards. Ang bansang Pilipinas ang pangatlong bansa na sinakop ng Mushiking.
Ang anime series nito ay mula sa produksyon ng TMS Entertainment, TV Tokyo at Yoimuri Advertising at naglalaman ito ng 52 episodes.
Ang Mushiking ay mapapanood sa kauna-unahang pagkakataon sa labas ng Japan, dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng GMA 7. Magsisimula na sa darating na April 12 at masusubaybayan ito tuwing Sabado at Linggo. Wala pa namang anunsyo kung saang timeslot ito ilalagay.
Posted in Anime, GMA, Philippines, Pinoy, Zen Otaku Honbu News | Tagged: Anime, GMA, Mushiking, Philippines, Pinoy, Zen Otaku Honbu News | 1 Comment »
Posted by Anime Kabayan on March 30, 2008


*****
Narito ang pinakahuling balita kaugnay sa Hero TV.
Karagdagan sa mga bagong anime titles na ipapalabas sa Hero TV sa darating na buwan ng April ang Digimon Adventure 02. Una na itong naipalabas sa ABS-CBN 2 at nakailang lipat na ito ng timeslot hanggang sa naging permanente ito sa Saturday morning. Ito ang nagsilbing karugtong ng Digimon Adventure 01 na una nang naipalabas sa Hero TV noong January.
Muling masusubaybayan ang anime series na Duel Masters at sa darating na April 5 ay nasa Season 3 na. Patuloy na saksihan ang galing ni Shobu Kirifuda sa pakikipaglaban gamit ang kanyang malakas na deck of monster cards.
Sa ngayon ay wala pa ring anunsyo ang Hero TV kung kailan sa loob ng buwan ng April nakatakda ang premiere telecast ng kanilang mga bagong anime - ang Naruto Shippuden, Transformers: Cybertron, Voltron (Go Lion Edition) at Digimon Adventure 02.
Manatiling nakatutok sa AK: TWESI WordPress Edition para sa pinakahuling balita.
Posted in Anime, Hero TV, Philippines, Pinoy, Zen Otaku Honbu News | Tagged: Anime, Digimon 02, Duel Masters, Hero TV, Philippines, Pinoy, Zen Otaku Honbu News | No Comments »