ANIME KABAYAN: The Way “Eye” See It

The WordPress Edition

Questions and Answers on Beauty Contest/Coronation Night

Posted by Anime Kabayan on March 12, 2008

Bb. Pilipnas-World

[Si Janina San Miguel - ang nanalong Binibining Pilipnas - World. Naging kontrobersyal dahil sa kabila ng kanyang pagkakalat sa Q&A portion ay nanalo pa rin siya.]

*****

Question: Ano daw ang mga batayan para manalo ang isang kandidato sa isang beauty contest?

Answer: Dapat maganda ka at maganda ka (sa panlabas na anyo at ang iyong kalooban, good moral character, ika nga). Ipakita ang iyong galing sa talent portion. At ipakita ang katalinuhan mo sa pagsagot sa mga tanong ng host o ng mga hurado. Sa panahon ngayon, may mga paligsahan na kasama na rin ang mga manonood sa pamamagitan ng interactivity (text votes, internet votes, etc.)
*****

Question: Kung ikaw ang hurado, saan mo ilalagay ang pinakamataas na percentage ng iyong pag-marka sa mga kandidato?

Answer: Sa Question and Answer portion. Ang mga international level ng mga ganitong kumpetisyon ay ito ang tinitingnan ng mga manonood at ng mga hurado. Dito, walang tama o maling sagot, dahil ang sagot mula sa mga kalahok ang magiging sukatan ng kanilang moralidad at kredibilidad.

*****

Question: Kapag nakasagot ang isang kalahok sa isang tanong, nakikitaan mo ba siya ng kredibilidad?

Answer: Depende kung kilala mo ang kalahok, kung saan kumpetisyon ito sumali at depende rin sa sagot.

*****

Question: Bakit depende kung kilala mo ang kalahok?

Answer: May mga pagkakataon noong high school ako, kasali sa “Mr. and Ms.” contest ang isa kong kaklase. Hindi ko naman akalaing na kasali siya, sa kabila ng pagkakakilanlan kong isa siyang salbaheng tao. Laking gulat ko nang sumagot siya sa tanong na taliwas sa kanyang ugali at moralidad. Lalo akong nagulat nang manalo pa siya sa kontest.

*****

Question: Bakit depende kung saang kumpetisyon siya kasali?

Answer: Masasabi kong ang mga paligsahang sa loob ng ating bansa katulad ng Binibining Pilipinas, Mutya ng Pilipinas, at sa mga nasa labas ng bansa tulad ng Miss Universe, Miss World at Miss International ay pang-international level. Kaya sinumang kasali dito, handa kang itaya ang buong pagkatao mo, at higit sa lahat ang kahihiyan mo para manalo sa ganitong kontest. Ang mga kontest na ginawa sa isang school (particular na sa mga high school at college) at mga kontest na inorganisa ng lokal na pamahalaan (cities/municipalities/provinces) ay matatawag kong pipitsugin at ka-cheapan.

*****

Question: Bakit depende sa sagot?

Answer: Bagamat nasabi ko kanina na walang tama o maling sagot sa ganitong patimpalak, madali mong malalaman kung ang sagot ay nasa tamang lugar (if the answer is on the right track, ika nga). May mga pagkakataon na nakapanood ako ng kontest sa aming school at sa mga piyesta na ang mga kalahok ay magaling ngang sumagot pero taliwas naman sa kanilang ugali at moralidad at taliwas sa tanong na binabanggit ng host o ng hurado.

*****

Question: Bakit mo naman nasabing pipitsugin at ka-cheapan ang mga beauty contest na gawa ng mga high school at colleges at mga kapistahan?

Answer: Dahil ang mga ganitong mga kontest ay maaaring manipulahin at maaaring dayain. Nakakita nga ako na isinasaulo ng mga kandidato ang mga tanong para sa pagdating ng kontest ay hindi sila mapapahiya sa harap ng mga inimbitahan nilang mga hurado. Kawawa naman ang mga judges, hindi nila alam na sila ay dinadaya na ng mga kalahok na kanilang binibigyan ng score.

*****

Question: Sa kontrobersyang kinakaharap ni Janina San Miguel, ang nanalong Binibining Pilipinas - World sa kabila ng hindi niya pagsagot ng maayos sa tanong na ibinigay sa kanya, ano ang reaksyon mo dito?

Answer: Moralidad ng isang tao ang sinasabing mas nangibabaw kaysa sa pagsagot ng isang tanong… Marami nga ang umalma sa naging desisyon ng mga hurado at sa pagkapanalo niya, pero hindi na mababago ang desisyon. Ang tanging paraan para mahubaran siya ng korona ay kung aatras siya o mamamatay, upang ang mga runners-up nito ang hahalili sa kanya. Nasisiguro kong magkakaroon na ng pagdududa, pag-aalinlangan ang mga tao kung paano hahawakan ang mga pang-international competitions gaya ng Binibining Pilipinas. Mula sa araw na iyon, magkakaroon na ng lamat ang kredibilidad ang kontest na iyon. On the part of Ms. San Miguel, nag-Tagalog na lang siya.

9 Responses to “Questions and Answers on Beauty Contest/Coronation Night”

  1. nogirlfriday Says:

    pwede naman mag tagalog sana nag tagalog na lang sya para di mahirapan. I think the judges chose her because of her personality, she was laughing inspite of her being so nervous wearing that 2-piece with everyone’s eyes on her waiting for her to make a fool out of herself and all. Talk about grace under pressure! Why don’t we give her a break and hopefully she’ll be able to answer confidently using her brains next time :) as long as she answers in tagalog it won’t be that too big a deal

  2. Fau Rafili Says:

    ewan ko ba kung bakit siya nanalo. napakaewan. napapraning ako. sabi naman nung isa kong kakilalang bakla, kahit hindi daw matalino basta maganda, mananalo sa Ms. World. ah ewan andami niyang nalalaman.

  3. Ms. Red Says:

    “Mula sa araw na iyon, magkakaroon na ng lamat ang kredibilidad ang kontest na iyon…”

    Korek ka dyan… maganda pa manood ng Ms. Gay… Nakakabilib sila, hehehe.

  4. foobarph Says:

    some of us may ask… “who cares?”

    personally, i do believe those judges have a reason kung bakit nanalo pa rin si Janina. well, improvement is fast for those people who are being humiliated, especially by her friends or fellow citizen.

    so i answer, “i really don’t care that much.”

  5. Anime Kabayan Says:

    @Nogirlfriday:
    Kung balewala pala sa mga hurado ang pagsagot ni Janina sa Q&A, eh di hindi na sana nagsagawa ng Q&A portion. Pero parang hindi rin mangyayari. SOP na kasi ito sa mga international contests.

  6. imbestigador Says:

    Lolz…..Binibinig Pilipinas ito pero English ang Ginagamit…..

    Dapat pala Miss Philippines na lang para Wala nang pahirapan.

  7. Anime Kabayan Says:

    @Fau Rafili:
    First time daw niyang sumali, kaya kinabahan. Sabi ni Melanie Marquez, kung sinasabing ng karamihan na bobo si Janina, yung moralidad daw niya ang malinis. Ewan ko kung ito ang nakita ng mga hurado sa kanya kaya nanalo.

  8. Anime Kabayan Says:

    @Foobarph:
    Sa mga nakalipas na taon, hindi ko care kung sinu-sino ang mga ipapambato ng bansa natin sa mga international contests. Naging aware lang ako this time dahil sa pangyayaring ito.

  9. Jopay Says:

    Hindi mo rin masisisi kung bakit ENglish ang gamit sa conetzt na Bb. Pilipinas. Neutralizing language kasi ang English sa pagitang ng etnikong Pilipino. Kapag Tagalog, parang unfair din naman kung hindi siya marunong magTagalog at kailangan Tagalog salita niya for the sake of the judges noh? AT saka matagal nang tradisyon yun

    Si Janina naman kasi, mafeeling. Sabing PUWEDE magtagalog, di man lang nagpakumbaba. At saka ang pinakalamat sa kanya eh di niya nasagot yung tanong

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>