ANIME KABAYAN: The Way “Eye” See It

The WordPress Edition

Hero TV FOLLOW-UP REPORT #7

Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Marso 30, 2008

digimon_02-1.jpgduelmasterimg001-1.jpg

*****

Narito ang pinakahuling balita kaugnay sa Hero TV.

Karagdagan sa mga bagong anime titles na ipapalabas sa Hero TV sa darating na buwan ng April ang Digimon Adventure 02. Una na itong naipalabas sa ABS-CBN 2 at nakailang lipat na ito ng timeslot hanggang sa naging permanente ito sa Saturday morning. Ito ang nagsilbing karugtong ng Digimon Adventure 01 na una nang naipalabas sa Hero TV noong January.

Muling masusubaybayan ang anime series na Duel Masters at sa darating na April 5 ay nasa Season 3 na. Patuloy na saksihan ang galing ni Shobu Kirifuda sa pakikipaglaban gamit ang kanyang malakas na deck of monster cards.

Sa ngayon ay wala pa ring anunsyo ang Hero TV kung kailan sa loob ng buwan ng April nakatakda ang premiere telecast ng kanilang mga bagong anime – ang Naruto Shippuden, Transformers: Cybertron, Voltron (Go Lion Edition) at Digimon Adventure 02.

Manatiling nakatutok sa AK: TWESI WordPress Edition para sa pinakahuling balita.

Mag-iwan ng Tugon

XHTML: Magagamit mo ang mga markang ito: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>