Mushiking, Ipalalabas ng GMA 7 Ngayong Abril!
Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Marso 31, 2008


Inanunsyo na ng GMA 7 sa kanilang advertisement nitong umaga ang pagpapalabas ng kanilang pinaka-latest anime acquisition – ang Mushiking.
Ang Mushiking ay mula sa inspirasyon ng arcade card fighting game. Ito ay inilunsad ng SEGA noong taong 2003 at sa kasalukuyan ay patok pa ring laro sa bansang Japan. Ayon sa impormasyon, sa unang taon nito ay nakabenta ang larong ito ng mahigit 33 milyong cards. Ang bansang Pilipinas ang pangatlong bansa na sinakop ng Mushiking.
Ang anime series nito ay mula sa produksyon ng TMS Entertainment, TV Tokyo at Yoimuri Advertising at naglalaman ito ng 52 episodes.
Ang Mushiking ay mapapanood sa kauna-unahang pagkakataon sa labas ng Japan, dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng GMA 7. Magsisimula na sa darating na April 12 at masusubaybayan ito tuwing Sabado at Linggo. Wala pa namang anunsyo kung saang timeslot ito ilalagay.
manaka_junpei sinabi
replacing “Mixed Master”
cherry sinabi
sana ulitin pa ang mushiking pag natapos kasi gusto ko talaga ang palabas na ito..”>
sanaa my karugtong pa..
Gemalyn sinabi
Katatapoz lang ata nyan(mushiking) nung isang araw eh…
Gustung gusto ko nga yung 4th ending theme song nyan!eh.. grabe sobrang ganda.. lalo na paggising sa umaga marinig mo yung end theme song nya…
(Hikaru Stage) sana marinig ko yung buo nyang song…. ^_^
Hasi sinabi
napakaganda ng Mushiking!
walang tatalo sa anime nato!
pwede ring mapanood sa channel 9.
ang oras ay 6:00 AM.