Tapang, Lakas ng Loob at Kumpiyansa
Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Agosto 31, 2008

Maliwanag na maliwanag kung ano ang nasa loob ng puso at isipan ng TV5 CEO Christopher Sy at ang iba pang mga taong nasa likod ng pagbabagong-bihis ng channel 5 (na ngayon at TV5). Bagamat malaking pera ang ipinuhunan ng TV5 at sa tulong na rin ng MPB Primedia, Inc., kasama dito ang tapang na harapin ang malalaking TV networks na ABS-CBN 2 at GMA 7… ang lakas ng loob na tapatan ng alternatibong mga programa ng TV5 ang mga tradisyunal na mga TV shows ng ABS-CBN 2 at GMA 7… at ang kumpiyansa na susuportahan ito ng target nilang mga manonood – ang kabataan… isang bagay na sang-ayon naman ang sambayanang Pinoy anime fans.
Ayon sa kanilang advertisement na kasalukuyang ipinapalabas sa TV5, alam ng TV5 kung ano ang gusto ng mga kabataang manonood ng telebisyon ngayon. Kaya mula noong August 9, 2008 ay ibinibigay ng TV5 ang kung ano ang gusto ng mga kabataan, kung saan nila ito gustong panoorin at kung paano nila ito gustong panoorin, isang malaking bagay na hindi, walang kakayahan o walang balak tugunan ng mga malalaking TV networks.
Anu-ano nga ba ang mga naging pagkukulang (o sabihin na nating kasalanan) ng mga malalaking TV networks sa sambayanang Pinoy anime fans? Maliwanag na hindi tinutugunan ng ABS-CBN 2 at GMA 7 ang mga panawagan nating muling maglagay ng anime sa afternoon schedule. Ito ay sa hinalang may mga empleyadong binubulungan ang mga namumuno sa Entertainment o sa Foreign Programs Acquisition at inuudyukang huwag nang magpalabas ng anime sa hapon o di naman kaya ay bumili na lamang o mag-dub at magpalabas ng mga Asianovelas sa mga timeslots na sa pananaw ng sambayanan ay dapat sa anime.
Dito papasok ang anggulong nagtataksil na ang mga malalaking TV networks sa kanilang mga manonood. Kung malaking bagay sa kanila ang anumang feedback mula sa kanilang mga manonood, paano nila ipapaliwanag ang mga kasong hindi nakakarating sa mga kinauukulan ang mga tawag sa telepono, ang mga padalang snail mail o kahit sa pagpapadala sa e-mail na humihiling na maglagay ng anime sa afternoon schedules? O kahit mga feedbacks mula sa kanilang online forums ay hindi ginagawa ng paraan ng mga forum administrators at moderators para maiparating ito? Paano naman nila ipapaliwanag na ang mga ipinagmamalaki nilang anime acquiition (kung meron man) ay hanggang sa mga panahong ito ay hindi pa rin nila maipalabas sa kanilang mga channels? Isang halimbawa nito ay ang balitang nakuha ng GMA 7 ang Death Note na hanggang ngayon ay wala pa ring petsa kung kailan ito unang maipapalabas. Pinangangambahan ba nila ang nilalaman ng anime na ito? Kung gayon, bakit ang Shakugan no Shana sa TV5, nagawa nilang ipalabas ito sa kabila ng umano’y sensitibong nilalaman nito? Dito papasok ang mga mabigat na katuwiran ng TV5… may tapang na ipalabas ang naturang anime na ito, upang ipakita kung ano talaga ang nangyayari sa buhay ng isang teenager na suportado naman ng fictional at fantasy plots… may lakas ng loob na ilagay ito sa timeslot na bagay na ginawa na rin ng GMA 7 at ABS-CBN 2 ilang taon na rin ang nakalipas… may kumpiyansa na tatangkilikin ito ng sambayanang Pinoy anime fans.
Oo nga’t ang kapwa ABS-CBN 2 at GMA 7 ay may pangalawang channels (Studio 23 at QTV 11), pero pareho ding hindi tinutugunan ng kanilang mga “alternatibo” ang gusto ng mga kabataan. Nagsisimula na ring magpakita ng kapabayaan at kasalanan ang QTV 11 sa kanilang anime programming, lalo na sa hapon. Lubha nga namang nakakapagtaka ang Mondays to Wednesdays scheme ng QTV 11 sa kanilang anime programming. Ito ba ay dahil sa kanilang Matinee block?
Kung gusto ng ABS-CBN at GMA na tangkilikin sila ng mga youth viewers, maliwanag ang kanilang dapat gawin…tularan ang ginagawa ng TV5 para sa sambayanang Pinoy anime fans. Dapat nilang itanim sa kanilang mga kukote na hindi lang dapat alalahanin ang malaking perang kanilang pupuhunanin o kikitain kundi ang kasiyahang ibibigay nila sa mga kabataang manonood nito.
KUMAGCOW sinabi
Hi there! Am just visiting today and I plan to do this often! ^_^ Check my blog back at http://www.kumagcow.com
and btw you are right about the big networks…they should bring anime back! ^_^
-KiRa-YaMaTo- sinabi
Haven’t you heard? Back to Third place na ulit sila on NUTAM!!
Pero yun nga, masyadong sensitive ang places 3-5 na pinag-aagawan ng 5, 9 at 11
pero if they break the 2nd place barrier. Doon na ako maniniwala.
yukiyagami sinabi
Excellent post, Anime Kabayan. Napapansin ko na ang “kahinaan” ng mga TV Networks, na nagmamalaki na sila ay Anime Authority. Ngayon, the tide turns against them. Magaling ang ginawa ng TV5.
Also, sadly, parang ratings at profit na lang ang hinahabol ng GMA at ABS-CBN kaysa sa kapkanan ng kanilang mga anime viewers. Nakakalungkot isipin.
wall brain sinabi
sana dagdagan pa nila ng mga anime kaunti lang kasi ang anime nila. diba ang dami naman nilang timeslot
yung sa GMA naipalabas na ba yung idaten jump nila
Megatonton sinabi
Sayang, nanonood kasi ako ng Sgt. Keroro ng 6 PM kaya di ko maabangan ang SnS. But Nadeshiko, kahit shoujo, mukhang kakatuwa pa rin.
Anime Kabayan sinabi
@Megatonton:
Now, you can watch SnS…
Ngayong Slam Dunk na ang nasa 6:00 pm sa Animax…
Megatonton sinabi
Yeah, true. Gotta get a refresher course muna… mukhang huli na ako eh hehehe.
donno sinabi
yeah! great thing at nagpapalabas na ng ganito ang TV5 but ang tanong dyan is how long will they last since they are releasing millions of pesos to acquire these with nothing in return (in terms of revenues). i hope these two titles are not the last.
as for Death Note, hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga bali-balitang nabili ito ng GMA. As per my reliable source, no tv networks here in the Philippines has yet to acquire its rights. it was offered before but no takers. reason? content! magiging sakit ng ulo kasi ito sa MTRCB.
and finally as for TV5 being number 3, as per my reliable source again, kaya lang daw sila naging #3 ay because nasa kanila pa ang PBA noon na nagkataon namang Ginebra ang naglalaro sa Finals. but after that, balik uli sila sa 5th position (behind QTV and C/S) though my source confirmed that the two animes there are the ones who are giving TV5 a big lift.