Dubbers on Eat Bulaga’s Kontrapelo: Sa Pula Sa Puti
Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Nobyembre 6, 2008
Noong nakaraang January 14, 2008, sumali ang mga kilalang dubbers ng mga anime at telenovela sa “every man for himself” game na On The Spot Jackpot ng Eat Bulaga na napapanood sa GMA 7.
Nito lamang November 5, muling nagpakitang-gilas ang mga dubbers sa bagong laro ng Eat Bulaga, ang Kontrapelo: Sa Pula, Sa Puti.
Sa pagkakataong ito, dalawang grupo ng mga dubbers ang kontrapelo sa isyung ano ang mas magandang i-dub ng mga ito, sa Anime o sa mga Telenobela.
Ang grupong “Anime Dubberkads” ay kinatatampukan nina Montreal Repuyan, Jefferson Utanes, Bernie Malejana, Maynard Llanes at Teng Masilungan.
Sa naturang laro, nanalo ang Anime Dubberkads laban sa grupo ng “Boses de Telenobela” sa score na 3-1. Ang tamang sagot ni Maynard Llanes sa tanong ni Daiana sa AM/FM category ang nagbigay ng panalo sa grupo ng mga nagda-dub ng anime at sa pagkakataong mag-uwi ng jackpot prize.
Sa Jackpot Round, mula sa PhP 25,000, naging PhP 225,000 ang posibleng makuha ng Anime Dubberkads dahil ang bolang nakasulat na numerong “2″ ang nabunot ng mga hosts ng Eat Bulaga. Kung magkamali ang winning team sa kanilang final answer, hindi nila makukuha ang jackpot at ang mga audience ay makakatanggap ng PhP 2,000 kapag nabunot ang kanilang mga hawak na numero.
Sa naging proseso ng Jackpot Round, si Jefferson Utanes ang itinakdang magbasa ng jackpot question. Dahil mukhang alam na niya ang sagot ay agad na ipinasa ang sagot sa kanyang mga kakampi hanggang sa dumating kay Teng Masilungan na siyang magsusulat ng final answer.
Ang naging tanong ay “Ang Japanese title nito ay Yu Yu Hakusho. Ano ang English title ng anime na ito kung saan bida sina Eugene, Alfred, Dennis at Vincent?”. Tumpak ang kanilang sagot. Ghostfighter.
Nakapag-uwi ang mga anime dubbers ng PhP 225,000.
manaka_junpei sinabi
kailan kaya mapanood ko ang clip na yan sa Youtube, hindi ko napanood… kahapon….
</spoiler
Megatonton sinabi
Wow, alam ko eh common knowledge na yun?
Eh kung tanungin nila ng pabaliktad? Ano ang japanese title ng Ghost Fighter.