ANIME KABAYAN: The Way “Eye” See It

The WordPress Edition

TV5 STRIKES AGAIN!

Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Nobyembre 9, 2008

http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/0/0c/CodeGEASSLogo.jpg

Kung noong August 9 ay inabangan ng sambayanang Pilipino ang pagbabagong-bihis ng channel 5 na ngayon ay kilala bilang TV5… Ngayong darating na November 10 ay mas aabangan ng mga suking Kakalogs, lalo na ang mga anime fans dahil sa mga bagong pasabog ng mga anime series.

Dalawang oras na ang pinaka-tututukang anime block sa Philippine primetime television – ang TV5 PrimeTime Anime block. Mula alas-6:00 hanggang alas-8:00 ng gabi, yayanig ang TV ninyo sa BUONG TAPANG at WALANG TAKOT na aksyon na hatid ng apat na BAGO, MALALAKAS at EKSPLOSIBONG mga anime series. Isang bagay na hindi na kayang gawin o gayahin ng mga higanteng networks.

Kumain na ng hapunan nang maaga, dahil pagsapit ng alas-6:00 ng gabi, bubuksan na ang IKALAWANG AKLAT ng tinutukang Shakugan no Shana. Tuloy ang pakikibaka nina Sakai Yuji at Shana laban sa mga Denizens.

Unang sasabog sa mga bagong anime ng TV5 ang Mai Hime, pagsapit ng alas-6:30 ng gabi. Saksihan ang kuwento ng dalawang magkapatid na may mahalagang misyon pagdating nila sa isang prestihiyosong eskuwelahan.

Sunod namang bubugso sa mga bagong anime series na tututukan ng mga anime fans ang Noein, sa ganap na alas-7:00 ng gabi. Isang labanan ang magaganap sa pagitan ng dalawang “time-spaces”. At isang mahiwagang bagay lamang ang maaaring makapigil sa mapamuksang digmaang ito.

At ang pinakamalaking pasabog sa lahat. Ang pinaka-pinag-uusapang anime sa lahat ng TV5 PrimeTime Anime block. Ang sinasabing pinaka-maaksyong anime series sa Japan. Samahan ang powerhouse cast na kinabibilangan nina Lelouch Lamperouge at Suzaku Kururugi sa kanilang pakikipaglaban sa kanilang mga paniniwala. Tunghayan ang anime series na pupukaw sa inyong mga kaisipan at damdamin. Ito ang Code Geass: Lelouch of the Rebellion, tuwing alas-7:30 ng gabi.

Kaya kung ayaw ninyong mapag-iwanan sa mga malalaki, bago at exciting na hatid ng mga anime series na ito, huwag nang magtiyaga sa mga lamyang mga game shows, iwanan na ang mga pagbabalitang naghahatid ng pare-parehong rekado at sa mga nakakaumay nang mga bida at pagtetelebabad.

Kung gusto mo ng pagbabago, SIMULAN MO SA SARILI MO! LIPAT NA SA TV5! TODO SHAKE MO TV MO!

35 Tugon to “TV5 STRIKES AGAIN!”

  1. Jamibu sinabi

    Go! Go! Go! TV5!

    Maraming salamat at pinasaya nyo ang mga Pinoy anime fans!

  2. Jonell sinabi

    wah aabangan ko to…

  3. eloiski sinabi

    nice nice nice!
    nakakainis lang ayaw sa amin ang TV5!
    kelangan ko pa ata ayuisn antena!
    amp!

  4. -KiRa-YaMaTo- sinabi

    Marami ang nagulat, lalo na sa MaiHiME.

    Natatakot ang mga dyed-in-the-wool Mai HiME fans na baka mamainstream ang ShizNat tandem..

    But then again, Two hours of Anime is well worth two hours worth of news and the same old stuff…

    BTW: Lemme share with you a conversation I had.

    “the point about fil dubbing is that kahit sino nalang ang pwedeng magdub most of the scrips are so far away from the real scrip ang ginagawa nila is that pinapanood lang nila ung raw ng buo tpos ska lang sila magsusulat ng script based sa pagkakaunawa nila, ok lng nman na mag fil dub pero sana naman ung maayos

    sa lahat ng kilala kong otaku na nakapanood na ng pinoy dubbed anime eh naiinis sa pagkakadub these days”

    Meron pa ring disillusioned.. suffice to say

  5. foobarph sinabi

    maganda yang code geass. :D aabangan ko na lang

  6. ascoth sinabi

    YES YOUR HIGHNESS! >:)

  7. Jamibu sinabi

    Masyado na kasing nahumaling ang ibang anime fans sa Japanese voices kaya hindi na nila kayang maappreciate ang effort ng ating mga Filipino dubbers. Sana isantabi muna nila ang original script at voice bago nila batikusin ang Filipino-dubbed anime.

    Basta ako excited na at ready na mamaya sa Bagong at Mas Pinalakas na Primetime Anime block ng TV5.

  8. Liquied sinabi

    Nandun pa rin ba Pizza Hut? Pizza But only eats chessy pops.

    Sana naman gandahan nila ang dub nila. Epp1 is phail by my standards.

  9. 4ever7 sinabi

    Buti na lang maraming bagong offered animé series ang TV5. Sayang ang pera ng GMA at ABS-CBN, hindi na nila ina-update ang kanilang mga canned animé series.

  10. pinoyonlinenovels sinabi

    in fairness to TV5 i like their animes and the nickelodeon shows! I love spongebob squarepants! Kahit na paulit-ulit lang…

  11. batopik sinabi

    AYOS NA AYOS!
    OKAY SA ORAYT!!!
    WOOOOOOOH!!!
    BIBILISAN KO ANG PAG-UWI.
    SANA HINDI TRAPIK!
    WAHOOOOOOO!!!

  12. Megatonton sinabi

    I like Noein. Better dubbed than the others. Saka medyu may pagka Now And Then, Here And There. :D

    Though natatakot ako sa Code Geass and HIME… baka masyado raw ‘bayolente’ at sexual para sa MTRCB… but then again, libre namang nakakapagmura ang mga GMA 7 shows, so whatever.

  13. soulassassin sinabi

    Komentaryo ko tungkol sa pagpapalabas at ang reaksyon ng “hardcore” fans:
    http://soulassassin547.livejournal.com/340595.html?mode=reply

    Bottom line: kailangan pa ng pag-aayos, pero mabuti naman at bukas sa anumang suhestyon ang dub team ng TV5.

  14. yukiyagami sinabi

    Nabigla na lang ako sa nakita ko, as in! All I can say to both of GMA-7 and ABS-CBN. They never expected what they saw.

    Once again, TV5 pulled out a surprise on us!

  15. raito sinabi

    iba talaga ang tv5 di talaga ka mabibitin, walang cut per episode datail by detail. dahil kung sa GMA 7 pa yan siguradong puro commercial ang mapapanood mo

  16. code z sinabi

    the tagalog dub of Code Geass SUCKS..!!!
    i hate it..it’s ruining the anime..
    Code geass is my fave anime..and they’re making it look bad..i hate the voices!
    i wish they could just use the japanese version with subs..

  17. jacky sinabi

    tama yung si “code z”
    ang pangit nga ng mga boses ng tagalog version ng code geass sa tv5
    di bagay. sana japanese nalang
    nawawala yung message ng anime
    sinisira niyo ang pangalan ng CODE GEASS

  18. Please air this on weekends!

  19. mai tokiyama sinabi

    ang ganda nga ng mai hime kya lang namimis ko ang yamato nadeshiko pati ung lover nina kyouhei and sunako pero sulit din because of mai hime at maganda din ang noien at code geass kaya lang di ku maabutan ang noien at code geass ksi nagcomputer me.

    shakugan no shana ay maganda din pero i like shakugan no shana 2 kc
    may kaagaw nanaman si shana kay yuji and request ko sa tv5 na sana ipalabas nila ang god save our king/kyou kara mou,ouran high school host club,chronicles of the wings/tsubasa!!sna dumami pa ang palabas nyong anime kc addict ako sa anime he..he..

  20. Anime Kabayan sinabi

    @code z:
    Wish nga ng ilan, kung puwedeng i-ere na lang ito on Japanese voice with subs… but as we all know… IT’S JUST NOT SO.

    Bakit hindi ninyo na lang iparating sa mga dubbers ang mga reklamo ninyo. Nakakaintindi naman sila…

    @Kairu Ishimaru:
    May encore sila tuwing weekends…

  21. DTA sinabi

    Mga weebs… batang Crunchy.

  22. ktr50neoclash sinabi

    boto ako sa tv 5. sana pagpatuloy nila yan din kagaya ng 2 malalaking network puro sila drama kaya ng tao sa pilipinas duwag.
    sila panaman yung inaasahan.

  23. ktr50neoclash sinabi

    itaas ang bandila ng anime lovers. wasakin ang mga bandila ng mga telenovela, koreanovela, tsinonovela, at iba pang drama.

  24. enduro sinabi

    the tagalog dub of Code Geass SUCKS..!!!
    i hate it..it’s ruining the anime..
    Code geass is my fave anime..and they’re making it look bad..i hate the voices!
    i wish they could just use the japanese version with subs..

    I half-agree with you, but, face the fact na nasa Philippine TV ang show na pinakafavorite mo (in fact, fave ko din ‘to), so natural lang na i-Tagalog-dubbed nila yun so most of the audience can appreciate it. Hope you understand. :D

    tama yung si “code z”
    ang pangit nga ng mga boses ng tagalog version ng code geass sa tv5
    di bagay. sana japanese nalang
    nawawala yung message ng anime
    sinisira niyo ang pangalan ng CODE GEASS

    Aling “message” ang nasira? Nasira ba pangalan ng show? If you are referring to the title “Code jizz/dies” pronunciation, inayos na yata nila…

  25. Megatonton sinabi

    One word: Kallen. :D :

    Walang cut. At all! How’d that get past MTRCB?

  26. Anime Kabayan sinabi

    @Megatonton:
    Simple lang…
    Sa paniniwala ng MTRCB, may panoorin ang mga higanteng TV networks, kaya mas minomonitor sila…
    Sa tingin ko nga, may “immunity” ang TV5 sa kanila! Hehehe…

  27. enduro sinabi

    One word: Kallen. :D :

    Walang cut. At all! How’d that get past MTRCB?

    Nagtaka nga rin ako eh. Siguro nga, like Anime Kabayan said, may “immunity” :D . Saka mahirap magputol ng ganung klaseng scene without altering the story. So, dapat blurred ung part na yun. Nagulat tuloy yung mga kasama kong manuod, hahaha!

  28. Liquied sinabi

    T_T Wala nang Spot the Pizza Hut?

  29. marcabs sinabi

    oi… ba’t ba kaya nagrerelakmo sa pag dub para sa akin okey naman maintindihan naman ang maga salita nila..

    buti nga sila nag-e-effort magpalabas ng bagong anime, di tulad ng dalawang higanteng istasyon, laging inuulit ang anime nila..

    ;wag na lang magreklamo, suportahan na lang ang TV5,
    okey ba yun…

  30. eoww!!! poh sa TV5 sana poh ibalik ninyo yung yamato nadeshiko
    kasi poh nakaka-adick poh kasi ang kakulitan nila eh!!
    at kung mero poh kayong season 2 nang yamato nadeshiko ay mas maganda poh at mas kaabang-abang ang mga mangyayari
    lalo na poh kina sunako at kyohei nakakakilig poh kasi sila eh!!!!

    sana poh ibalik nyo poh ang ymato sa
    lalong madalingh panahon

  31. Megatonton sinabi

    AFAWIC (as far as Wikipedia is concerned XD), there is no second season of Shichi Henge. Sad.

    But I do see some mangas floating around. Try mo sa Powerbooks.

  32. toughestcookie sinabi

    wag po muna tayong magrequest ng ibalik ang ‘ganito or ganon na anime’… tapos later magrereklamo kung bakit paulit-ulit…

    Go TV5!!! TV5 rocks!
    Mag-eefort ng umuwi ng maaga ang mga local anime fans =)

  33. Shirley Fenette sinabi

    Nagsimula kong na-like ang tv5 nang ipalabas nila ang top2 anime favorite ko na Code Geass!!

    Grabe 4 me nakakabaliw tlaga i2 sayang di nila tinuloy sa R2 na 2nd season ng Code Geass

    Maganda rin yung noein at yung opening song

    lahat sila nakakaadik!!!!!

  34. animator sinabi

    sana ipalabas nyo hunter x hunter… plssss

  35. neil sinabi

    New lineup na naman yata…but I love Noein…

Mag-iwan ng Tugon

XHTML: Magagamit mo ang mga markang ito: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>