ANIME KABAYAN: The Way “Eye” See It

The WordPress Edition

Imbakan para sa Nobyembre, 2008

Kapamilya Reacts, Kapuso Dedma Pa Rin…

Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Nobyembre 12, 2008

Nauna ko nang ibinalita ang muling pagpapalabas ng ABS-CBN 2 sa Naruto Shippuden. Sa nakikita kong scenario ay hindi pa ito gaanong makakahatak ng mga manonood dahil balik ito sa SEASON 1 airing. Unless, ia-anunsyo ng Kapamilya network ang pagpapalabas ng SEASON 2 episodes nito. Malamang na baka bago matapos ang taong 2008 o sa umpisa ng taong 2009 natin malalaman ang kasagutan.

Next week naman, 3 series ang ibabalik ng ABS-CBN 2. Yun nga lang, doon pa rin sa Umaganda block ito ilalagay. Una dito ang classic na Julio at Julia: Kambal ng Tadhana (8:30 am). Ang SEASON 1 ng Eyeshield 21 (9:00 am) at ang Getbackers (9:30 am).

In one way or another, masasabi kong ang hakbang ng Kapamilya network ay reaksyon sa naging malaki at patuloy na sumasabog na PrimeTime Anime block ng TV5. Hindi ba dapat ang mga anime na katulad ng Eyeshield 21 at Getbackers ay HINDI NAKALAGAY sa morning timeslot? Hindi kaya panahon na upang bigyan ng katambal ang Naruto Shippuden na “single-handedly” na nakikibaka sa afternoon slot?

*****

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang konkretong aksyon ang GMA 7 sa naging pambihirang balita ng TV5. Kung sinasabi ng ilang mga uber, rabid at extreme Kapuso na may ginagawang hakbang na ang GMA 7 sa pangyayaring ito, masasabi ba nating may ginagawa ba talaga sila? Ipinalalandakan pa rin nila ang Bleach bilang counter-attack pero wala namang iniharap na matibay na balita o ebidensya.

*****

Maraming sinasabing dahilan kung bakit lagpak ang performance ng mga higante regarding airing animes. Dahil ba kaya nagdadalawang-isip ang programming department na muling maglagay ng anime sa hapon sa kabila ng panawagang muli itong ibalik? Dahil ba namimili ang mga dubbers ng mga proyekto? O nasa kamay ng mga nakaupo sa poder ang kapalaran ng mga anime sa kanilang bakuran?

*****

Hindi ko masisisi ang ilan sa mga anime fans na maglabas ng kanilang mga himutok sa mga Tagalog-dubbed animes ng TV5 sa kabila ng matagumpay na mailagay ang mga hanggang ngayon ay nakakagulat na anime line-up ng maliit na network na ito. Nasabi ko na ang aking mga reaksyon hinggil sa isyung ito. Pero higit sa lahat, payo ng aming ZOH Ka-Honbu na si soulassassin547 na ilapit na lang sa mga dubbers (through their social accounts, or in person) ang kanilang mga reklamo. Bukas naman siguro sila sa inyong mga sasabihin.

Ganoon pa man, hanggang walang maglalakas-loob na pumasok sa teritoryo ng TV5 para maibigay ang kanilang mga katuwiran, mananatili ang takbo ng buhay para sa mga Kakalogs.

Nasubok ko na ang sarili ko na ipakain ang sarili ko sa mga “leon” kapag sumusugod ako sa mga forums ng iGMA at ABS-CBN. Ako ang tipong hindi naghihintay na puntahan ako ng mga kalaban. Sa halip, ako ang pupunta sa kalaban. Or in one way or another, nagtitipon ng lakas ang mga kalaban para salakayin ang nag-iisang mandirigma.

Yun na lang muna, mga anime kabayan!

Ipinaskil sa ABS-CBN, Anime, GMA, Philippines, Pinoy, TV5 | Minarkahan: , , , | 9 Puna »

TV5 STRIKES AGAIN!

Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Nobyembre 9, 2008

http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/0/0c/CodeGEASSLogo.jpg

Kung noong August 9 ay inabangan ng sambayanang Pilipino ang pagbabagong-bihis ng channel 5 na ngayon ay kilala bilang TV5… Ngayong darating na November 10 ay mas aabangan ng mga suking Kakalogs, lalo na ang mga anime fans dahil sa mga bagong pasabog ng mga anime series.

Dalawang oras na ang pinaka-tututukang anime block sa Philippine primetime television – ang TV5 PrimeTime Anime block. Mula alas-6:00 hanggang alas-8:00 ng gabi, yayanig ang TV ninyo sa BUONG TAPANG at WALANG TAKOT na aksyon na hatid ng apat na BAGO, MALALAKAS at EKSPLOSIBONG mga anime series. Isang bagay na hindi na kayang gawin o gayahin ng mga higanteng networks.

Kumain na ng hapunan nang maaga, dahil pagsapit ng alas-6:00 ng gabi, bubuksan na ang IKALAWANG AKLAT ng tinutukang Shakugan no Shana. Tuloy ang pakikibaka nina Sakai Yuji at Shana laban sa mga Denizens.

Unang sasabog sa mga bagong anime ng TV5 ang Mai Hime, pagsapit ng alas-6:30 ng gabi. Saksihan ang kuwento ng dalawang magkapatid na may mahalagang misyon pagdating nila sa isang prestihiyosong eskuwelahan.

Sunod namang bubugso sa mga bagong anime series na tututukan ng mga anime fans ang Noein, sa ganap na alas-7:00 ng gabi. Isang labanan ang magaganap sa pagitan ng dalawang “time-spaces”. At isang mahiwagang bagay lamang ang maaaring makapigil sa mapamuksang digmaang ito.

At ang pinakamalaking pasabog sa lahat. Ang pinaka-pinag-uusapang anime sa lahat ng TV5 PrimeTime Anime block. Ang sinasabing pinaka-maaksyong anime series sa Japan. Samahan ang powerhouse cast na kinabibilangan nina Lelouch Lamperouge at Suzaku Kururugi sa kanilang pakikipaglaban sa kanilang mga paniniwala. Tunghayan ang anime series na pupukaw sa inyong mga kaisipan at damdamin. Ito ang Code Geass: Lelouch of the Rebellion, tuwing alas-7:30 ng gabi.

Kaya kung ayaw ninyong mapag-iwanan sa mga malalaki, bago at exciting na hatid ng mga anime series na ito, huwag nang magtiyaga sa mga lamyang mga game shows, iwanan na ang mga pagbabalitang naghahatid ng pare-parehong rekado at sa mga nakakaumay nang mga bida at pagtetelebabad.

Kung gusto mo ng pagbabago, SIMULAN MO SA SARILI MO! LIPAT NA SA TV5! TODO SHAKE MO TV MO!

Ipinaskil sa Anime, Philippines, Pinoy, TV5 | Minarkahan: , , , , , , , | 35 Puna »