Anime Kabayan: EYEWATCHER

The WordPress Edition

Another RECORD-BREAKING Anime on TV5

Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Pebrero 23, 2009

Mula nang mag-reformat ang channel 5 na ngayon ay kilala na sa pangalang TV5, marami nang mga rekord nito ang nabasag at may mga rekord din silang nilikha dahil sa kakaibang format ng kanilang programming.

Kung meron mang nakinabang sa magandang takbo ng TV5, iyan ay walang iba kundi ang mga anime fans. Dahil nakakapanood na ang mga Pinoy anime faithfuls ng kanilang mga paboritong anime sa pinaka-komportableng timeslot… PRIMETIME. At kung sakaling hindi nila mapanood ito sa gabi, mapapanood muli ang mga ito sa isang malaking bulto ng timeslot sa pagsapit ng Sabado at Linggo ng hapon.

Noong Agosto 2008 ay niyanig tayo sa mga animes na Shakugan no Shana at Yamato Nadeshiko Shichi Henge, maging ang secondary force ng Transformers: Armada at Duel Masters. Noong Nobyembre 2008 naman ay ginulat ang buong Pilipinas sa puwersang ipinakita ng TV5 sa mga animes na Shakugan no Shana SEASON 2, Mai-Hime, Noein at Code Geass: Lelouch of the Rebellion. Ang naturang anime line-up ay naging pinakamatunog at pinakapinag-uusapan sa lahat ng animes na naipalabas ng TV5 mula nang mamayagpag sa ere. Disyembre 2008 naman ay agad na nagpalit ang linyada ng PrimeTime AniMega sa pagbabalik ng Masked Rider Blade at Fushigi Yuugi, maging ang mga bago na Azumanga Daioh, Black Blood Brothers at Coyote Ragtime Show. Iniluklok ng taumbayan ang TV5 bilang bago at nag-iisang “Anime Authority ng Bayan”. Nanalo din ang TV5 bilang Anime TLC Local TV Network of the Year sa Otaku’s Verdict 2008.

Nito lamang Enero 2009, isa pang anime ang nagbalik at lumipat sa bago at matatag na tahanan. Ang DN Angel ay umani rin ng papuri at suporta mula sa mga masugid na manonood nito sa anime series at sa mismong TV5.

Patapos na ang Pebrero, pero hindi tumitigil sa pagyanig at panggugulat ang TV5 sa kanilang maaaring gawin para sa lalong ikaaaliw ng mga Pinoy anime faithfuls.

Isa na namang teen/drama anime ang sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood na sa labas ng bansang Japan ang SPECIAL A sa pamamagitan ng Tagalog-dubbed version nito na ipapalabas sa record-breaking TV channel, ang TV5.

Bakit nga ba record-breaking? Ang Special A ay nito lamang nakaraang taong 2008 ipinalabas sa Japan, mula June 6, 2008 hanggang September 14, 2008 to be exact sa kabuuang 24 episodes. Limang buwan na ang lumipas mula nang huling ere nito sa Japan ay una ang Pilipinas sa pagpapalabas nito. Sa tingin ko pa nga ay mas maaga sa limang buwan ito nakuha ng dubbing firm na nasa likod ng Tagalod-dubbed version nito. That makes Special A THE FASTEST ACQUIRED ANIME TITLE IN PHILIPPINE TV HISTORY.
Nagpapatunay lang sa pangyayaring ito na dedicated ang bagong TV5 na pasayahin ang mga Pinoy anime faithfuls sa pagpapalabas ng mga bago, explosibo at exciting na mga anime series sa telebisyon ngayon. Lalo na sigurong uunlad ang TV channel na ito kung magkakaisa at magtutulungan ang mismong TV5 management at mga manonood nito.

9 Tugon to “Another RECORD-BREAKING Anime on TV5”

  1. raito sinabi

    astigin talaga ang TV5, ngayon nagpapalabas sila ng latest anime, katatapos lang nakuha na agad,
    at merong pag subtitle para mas
    lalong maitindihan ng mga manonood
    kaya nga tinatawag na sila ngayon
    anime authority ng bayan, astigin

    sana wag gayahin nila ang QTV na sa umpisa maganda pa ang
    mga anime nila pero ngayon hindi na

    sana hindi sila magbabago or mas lalo pa nilang pagbubutihin

  2. chii chobits sinabi

    sAnA iPlabAs nMAn uNg gAkuEn Alice sa TV 5..
    pLs,,
    i”m aN avId tV 5 vIeWer lAlo nA unG mGa anIme…

  3. Jomar Francisco sinabi

    Kanguso, Kapangilya, Napag-iwanan na ng Ka-shaker sa Anime!!

    Sino ang mag-aaakala na isang di-kalakihang network ang muling bubuhay ng anime sa Pilipinas? Noon nang pag-tatanggalin ng mga lintik na mga higanteng network na iyan ang anime line-ups nila ay isa ako sa lubos na nadismaya at super nainis dahil sa pagtataboy nila sa mga anime fans na mapanuod sa Philippine TV ang mga anime. tulad ng ginawa ng kanguso sa swak-pack block nila sa hapon, after ng run ng initial d ay nag-rerun sila ng bulok na at nakakasawa nang mga anime!!! ako nga napa-sus-maryosep!!! ng nakita ko ulit yung mga iyon e. sa loob-loob ko lalng, paulit-ulit na lang!!! nang mabasa ko ang mga komentaryo ni AnimeKabayan ukol sa mga anime, nahimok niya ako na isalabas ang aking mga hinaing ukol sa katarantaduhang ginawa ng mga higante ukol sa mga anime. At isa pang nakakabwisit sa kanila ay walang patumangga nilang kina-cut ang mga opening and ending themes ng mga anime nila lalo na yang bwishit na kapangilya na yan!!!!! as a die hard jmusic, jpop n jrock fan, isa ako sa labis na nasasaktan sa ginagawa nila na iyan sa pagputol sa mga op n ed ng mga anime!!! di tuloy sumikat dito ang ubod ng gagandang mga jmusic songs nan kinakanta sa mga anime!!! hay buti na lang at that month of august!!! bigla akong napatulala nang aksidente kong mailipat ang TV namin sa tv5 at napatalon ako nang husto nang makita ko ang shakugan no shana!!!! sabi ko “what a miracle!!!! Buhay na uli ang anime sa primetime tv!!!!!” :lol: :lol: AT sa loob lamang nang ilang buwan, talagang shinake ng tv5 ang mundo ko as an die hard otaku/anime fan!!!! at dumadami na kami na mga anime fans na shine-shake ng tv5 sa mga bago at magagandanbg mga anime line-up nila sa primetime!!!! ibang-iba kaysa sa mga higanteng KANGUSO at KAPANGILYA na yan!!!! Bukod sa binubuo nila nga opening/enging theme nila, puro bago pa mga anile nila every month!!! whew!!! Galing talaga ng tv5!! di na ko magtataka kung naka-no. 3 spot kaagad sila sa ratings n hopefully mag-no. 1 sila, :lol: :lol: :lol: sna nga. Thank you tv5, binuhay nio ulit ang anime sa Philippine tv!!!! I admire you a lot and kay AnimeKabayan na palagi me ini-inspire sa mga matatalim na komento niya sa mga blogs n forum niya laban sa mga lumalapastangan sa mga anime n anime fans..

  4. eto thunder mojacko sinabi

    Sana lang kahit sa umaga ipalabas ung dating mga anime tulad ng Eto rangers, mojacko, thunder jet, Bt’x, tenchi muyo, yaiba, time quest, lupin the 3rd, trigun, Grander Musashi, at yung iba pang naipalabas na sa dos, siyete, at axn.

  5. gabrielle22 sinabi

    ohhyeah SA really hits Tv5 anime ratings!

  6. Donald sinabi

    anu po ba title ng kanta nila sa commercial ng anime authority??ganda kc eh..sana my sumagot

  7. julie sinabi

    sana poh mapalabas ulit ung ranma1/2 pati tora dora pls poh sana poh tapusin hhehehee.nakakabitin poh kc eh……….

  8. jezzigene sinabi

    the truth is that gma has a good taste in anime before, kaya lang ginaya nila abs cbn puro drama ngaun n for mothers only, sana next time maraming makabuluhang anime na ipalabas sa tv5 gaya ng ginawa ng gma7 dati

  9. MiaKathleen sinabi

    anung title po nung sa commercial ng anime authority na un .. ung may lyrics na .. yeah! there’s no … ? ewan po . pkisgot ang gnda kc. astig! ^-^

Mag-iwan ng Tugon

XHTML: Magagamit mo ang mga markang ito: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>