ANIME KABAYAN: The Way “Eye” See It

The WordPress Edition

Archive for the 'Anime' Category


TV5: The Week That Was

Posted by Anime Kabayan on August 16, 2008

August 9, 2008. Saturday. Mga bandang 8:00 to 9:00 pm, napanood ko ang teaser ng TV5 kaugnay ng kanilang programming para sa mga kids at youth. Sinasabi nilang 32% ng total population ng Pilipinas ay binubuo ng youth. That’s why TV5 gives these viewers WHAT THEY WANT, WHEN THEY WANT IT and HOW THEY WANT IT.

Buong umaga (6:00 am to 12:00 nn) ay inilaan sa mga animated shows. Tatlong oras dito ay sa Nick on TV5 block. Tuwing 11:30 am to 12:00 nn naman ang Transformers: Armada, na una nang napanood sa GMA 7, QTV 11 at Hero TV. Walang takot na tinapatan ng anime na ito ang Pinoy game show ng ABS-CBN 2 at ang hindi mamatay-matay dahil hindi pinapatay na mortal enemy ng anime programming na matanda nang bida sa 14 na taon nang ginawang telenovela na palabas pa rin sa GMA 7.

Mula nang alas-4:30 hanggang alas-7:00 ng gabi, para pa rin sa youth ang naturang timeslots. Tagalog-dubbed ang Nick on TV5 mula 4:30 to 6:00 pm. At ang isang oras naman ay ipinangalang “PrimeTime Anime”. Buong sambayanang Pinoy anime fans ay tumutok sa Shakugan no Shana at Yamato Nadeshiko, kung saan ang mga dubbers nito ay dinala ang galing at talento hanggang TV5. Buong tapang na hinarap ng 2 anime na ito ang mga gameshows nina Kris Aquino at Arnell Ignacio at ang unang 30 minuto ng kanilang TV newscast.

Aaminin kong mula nang mawala sa afternoon slot ang anime, napipilitan akong manood ng mga gameshows sa gabi. Pero nang bumalik ang anime sa TV5, na-realize kong wala akong panalo sa panonood ng mga ito. Kung manonood lang ako pero wala naman akong mapapanalunang pera, bakit pa ako manonood? Hindi kataka-taka kung mababa ang narehistrong ratings ng mga ito. Hindi lahat ng 15% ng mga nanonood ay naglalaro kasabay nila.

Kaya tayong mga anime fans, kaysa aksayahin lang natin ang 30 minuto sa gameshows at 30 minuto ng panonood ng mga balita na hatid ay problema at walang kasolusyonan, manood na tayo ng PrimeTime Anime block ng TV5. Pantay-pantay tayong maeentertained.

Muli, ang aming hamon sa ABS-CBN at GMA. Ang mga pinuno ng Entertainment department at maging sa Foreign Programs Acquisition department ay malinaw na walang ginagawang aksyon sa mga panawagan ng mga anime fans na muling maglagay ng anime sa afternoon schedule. Ito ay dahil sa nagpapaimpluwensya sila sa mga bulong ng ilang empleyado, nag-uudyok na huwag nang magpalabas ng anime sa hapon at sa halip ay magpalabas ng mga Asianovelas.

Malinaw na nababahag ang buntot ng mga nasa Entertainment at Foreign Programs Acquisition department ng mga TV networks na ito. Kung magkaroon nga naman ng pagkakataon na magpalabas ulit ng anime sa hapon, pipiliin pa rin nilang magpalabas ng mga gasgasing animes kaysa magpalabas ng bago pero makokompromiso naman dahil putol-putol ang mga eksena. Magreresulta ulit ng ito ng muling pagkakatanggal ng anime sa hapon.

Maayos sana kung ang mga feedback ng mga katulad naming mga fans ay nakakarating sa kanila. Pero nababalitaan kong nakatambak ang mga phone-in feedbacks, mga snail mails, maging ang mga e-mail messages ay hinaharang kapag anime ang topic.

Hanggang patuloy ang iregularidad, katiwalian at pagmamaltrato ng mga higanteng TV networks sa anime programming, patuloy ang aming panunuligsa at pagbatikos sa kanilang mga maling gawain.

Para sa TV5 - hanggang patuloy ang magandang simula ng pagbabalik ng anime programming sa inyong channel, ang buong suporta naming mga anime fans ay laging nasa inyo.

Posted in Anime, Philippines, Pinoy, TV5 | Tagged: , , , | 2 Comments »

Pinoy Anime Otakus, SHAKE NYO, TV NYO!

Posted by Anime Kabayan on August 10, 2008

 

Siguradong lalong mababawasan ang mga anime viewers ng ABS-CBN 2 at GMA 7 dahil sa malinaw na kawalang-aksyon sa kahilingan ng mga ito na muling maglagay ng anime timeslots sa afternoon schedule. Napag-usapan na rin lang ang nangyayaring treachery o trayduran sa pagitan ng mga artista/empleyado, maging ng mga manonood at ng mga namumuno sa entertainment at programs acquisition, malinaw na ang ilang mga empleyadong nagtatrabaho sa ilalim ng mga divisions na ito ang responsable sa muli na namang paghina ng anime programming sa TV.

Mabawasan man ang GMA at ABS-CBN ng mga anime viewers, siguradong ang higit na makikinabang sa pangyayaring ito ay ang bagong bihis na TV5.

Ang TV5 ay dating tinawag na ABC 5 hanggang August 8, 2008. Mula sa mga araw na ito, ang programming ng channel 5 ay nasa ilalim na ng MPB Primedia, Inc., isang local entertainment company na kabalikat ng Media Prima Berhad ng bansang Malaysia. Ngunit sa kabila ng mga pagbabagong ito, mananatili ang pangalan ng Associated Broadcasting Company bilang corporate name, at si Tonyboy Cojuangco ay mananatili pa ring CEO ng TV5.

Sa kanilang launching show na ipinalabas noong August 9, maraming mga bagong programa ang kanilang ipinakilala. Karamihan sa mga artista ay mga bagong mukha, ngunit meron din namang mga pamilyar nang mga pangalan na mula sa 2 major TV networks.

Pero ang higit na pumukaw sa atensyon ng mga anime fans ay ang kanilang anime line-up na ipapalabas ng TV5 simula sa buwan na ito… Nariyan ang Transformers: Armada, na una nang napanood sa GMA 7, QTV 11 at sa Hero TV. At ang kagulat-gulat nilang ipapalabas na mga bagong animes sa ilalim ng TV5 - ang Shakugan no Shana at Yamato Nadeshiko Shichi Henge. Inaasahang ang mga anime na ito, lalo na ang SnS at YNSH ay ilalagay sa primetime schedule sa kabila ng sinasabing sensitibong nilalaman ng mga ito.

Kung magpapatuloy ang magandang takbo ng TV5 sa kanilang anime programming, magiging magandang dahilan ito upang patuloy na makibaka at manindigan ang mga solid Pinoy anime fans na may pag-asa pa ang bansang Pilipinas sa larangan ng anime at Tagalog-dubbing.

Hamon ng inyong lingkod, ANIME KABAYAN at ng sambayanang Pinoy anime fans sa mga malalaking TV networks, panahon na upang kayo naman ang kumilos. Hinahamon namin ang mga nasa poder ng entertainment at programs acquisitions department ng ABS-CBN at GMA na huwag magpapa-impluwensya sa mga taong hinihimok na magpalabas ng mga Asianovelas sa hapon o di kaya’y inuudyukan kayong huwag nang magpalabas ng anime sa hapon. Panahon na upang tuldukan na ang pagtataksil ng mga namumuno sa mga divisions na ito sa mga anime fans.

At para naman sa TV5, isang malugod na pagbati ang pinaabot ng inyong lingkod at ng sambayanang Pinoy anime fans sa inyong pagbabagong-bihis. Umasa kayong mga nasa TV5 na ibibigay namin ang lahat ng suporta sa inyo. At umaasa din naman kami na dito sa inyong bagong kilos bilang TV5 ay hindi ninyo bibiguin ang mga katulad naming mga anime fans na sawa na sa mga mabagal na aksyon at pagtataksil sa amin ng mga malalaking TV networks.

Kaya tayong mga Pinoy Anime Otakus, muli tayong makibaka, muli tayong lumaban, muli tayong manindigan… SHAKE NYO, TV NYO!

Posted in Anime, Philippines, Pinoy, TV5 | Tagged: , , , | 5 Comments »