ANIME KABAYAN: The Way “Eye” See It

The WordPress Edition

Archive for the 'Hero TV' Category


Hero TV FOLLOW-UP REPORT #9

Posted by Anime Kabayan on April 21, 2008

Narito ang pinakahuling balita tungkol sa Hero TV.

Apat na buwan na at hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring balita kung kailan at paano maibabalik ang Hero TV Forums. Maging ang kanilang official website ay wala pa ring progreso.

Kaugnay nito, nagpahayag ang isa sa mga naging bahagi ng Hero TV Forums na si g-dawg sa Hangyaku no Otaku Forums na umabot din ang balita sa Zen Otaku Forums tungkol sa isyung ito.

Ayon kay g-dawg, ang mga files ng Hero TV Forums ay nasa kamay pa ng forum host nito na Philhosting at ang mga otoridad ng Hero TV ay naglalaan ng panahon para maghanap ng bagong server upang mailipat ang mga files ng HTVF.

Paglilinaw naman niya, ang Hero TV Forums ay buong-buong pagmamay-ari ng mismong Hero TV at hindi ng ABS-CBN. Ang desisyon ng muling pagbuhay sa HTVF ay nasa kamay ng Channel Manager na si Ruel Ferrer at ang isa pang nagpapalakad ng istasyon (NOTE: Anime Kabayan thinks that the one g-dawg pertaining to is the Channel Officer-In-Charge Macie Imperial).

Humihingi si g-dawg ng paumanhin sa ngalan ng Hero TV sa kanilang mga manonood sa naging pagkukulang ng himpilan. Ngunit nananawagan siya sa mga manonood at tagapagtaguyod ng Hero TV na ipakita sa pamunuan ng Hero TV na gusto ng kanilang mga subscribers na ibalik na sa serbisyo ang Hero TV forums, ipakita sa kanila kung gaano ito ka-importante sa mga manonood nito at ipakita na marami ang humihiling ng pagbabalik ng HTVF.

Nangako naman si g-dawg na sa abot ng kanyang makakaya ay ipararating niya sa lahat ang mga makakalap niyang balita hinggil sa Hero TV. Anumang mensaheng nais iparating sa Hero TV ay maaaring ipaabot sa kanya.

Samantala, ang pagpapalabas ng Sasami: Mahou Shoujo Club sa Hero TV ay pansamantalang mapuputol dahil sa problema kaugnay ng kasunduan o kontrata sa pagpapalabas ng naturang anime. Tiniyak namang mga bandang buwan ng June ay malamang na bumalik na ito sa ere. Ang Sasami ay naging bahagi ng March line-up ng Hero TV. Isang episode pa lang ang umere sa Hero TV noong March 16 at hindi na ito natuloy sa pagpapalabas nito.

Posted in Anime, Hero TV, Philippines, Pinoy, Zen Otaku Honbu News | Tagged: , , , , | 1 Comment »

Hero TV FOLLOW-UP REPORT #8

Posted by Anime Kabayan on April 1, 2008

major3.jpgNarito ang pinakahuling balita kaugnay ng April line-up ng Hero TV.

Pormal nang inanunsyo ng Hero TV sa kanilang advertisement ang buong line-up nila para sa buwan na ito ng April.

Ngayong April, apat na bagong anime titles ang kanilang handog - ang Naruto Shippuden, Transformers: Cybertron, Digimon Adventure 02 at ang Voltron (Go Lion Edition)

Dalawa naman sa kanilang anime roster ang magpapalabas ng kanilang third season of episodes - ang Major at ang Duel Masters.

Tatlo namang anime series ang muling mapapanood - ang Offside, Astroboy at ang Beet The Vandel Buster.

Sa ngayon ay ang Offside pa lang ang unang ipinalabas ngayong buwan (napapanood ito tuwing Weekdays ng 11:30 am at 5:30 pm. Ang Duel Masters naman ay nakatakdang ipalabas sa April 5. Karamihan sa mga anime sa Hero TV ay nagkaroon ng mga pagbabago ng mga timeslots at inaasahang mangyayari din ito sa mga Weekends anime shows.

Manatiling nakatutok sa AK: TWESI WordPress Edition at sa Zen Otaku Honbu News Blogger Site para sa pinakahuling balita.

Posted in Anime, Hero TV, Philippines, Pinoy, Zen Otaku Honbu News | Tagged: , , , , | 10 Comments »