ANIME KABAYAN: The Way “Eye” See It

The WordPress Edition

Imbak para sa Kategoriyang ‘Zen Otaku Honbu’

Hero TV’s Change of Heart. Panalangin para sa mga Nasalanta ni Ondoy.

Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Oktubre 1, 2009

Sino ang dapat pasalamatan sa pagdesisyon ng Hero TV sa pag-urong ng petsa at lugar ng pagdadausan ng kanilang anime event – ang Heronation?

Una, ang bagyong Ondoy. Hindi natin mapagkakailang marami ang namatay, nasalanta at naapektuhan sa dumaang bagyo, lalo na sa Maynila. Pero dahil kung hindi nga naman dadaan ang bagyo sa direksyon ng Maynila, malamang na ipagpipilitan pa rin ng Hero TV na ganapin ang Heronation sa SM Marikina sa November 7.

Pangalawa, ang Hero TV mismo. Masasabi kong salamat na lang at sila ay nagising sa kanilang pagkakatulog. Dahil sa kanilang naging desisyong i-urong ang petsa at lugar ng Heronation, hindi lang naisalba ng Hero TV ang kanilang sarili sa matinding kompromiso, kundi isinalba din ng Hero TV ang mga taong inaasahang dadalo sa kanilang anime event mula sa posibleng panganib na kanilang harapin kung mauulit ang katulad ng pagsalanta ng bagyong Ondoy sa Maynila, lalo na sa Marikina. Kung hindi pa naman sila nasindak sa mga video footages at pictures na nakunan ng ABS-CBN sa naging bagsik ng bagyo, ay malaking kalokohan na kung isasakripisyo nila ang kasiyahan ng mga dadalo kung gaganapin sa lugar na hindi na rin ligtas sa kung hindi man bagyo ay malaking baha.

Nangangahulugan din na hindi na nila kailangang makipag-tapatan sa Level Up! Live sa parehong petsang unang inanunsyo ng CSCENTRL sa kanilang Multiply site at maging sa karagdagang impormasyon na ibinigay ng Anime Alliance Philippines.

Tunay ngang ang mga naunang balita ng CSCENTRL at AAP ay nagbigay ng pagkagulat at pagkabahala sa mga katulad naming mga Pinoy anime fans.

Pangatlo, ang mga viewers at forumers ng Hero TV. Kung hindi sa kanilang walang takot na pagbibigay ng mga reaksyon, pagpapakita ng walang interes sa pagpunta at pagtutol sa naging petsa at lugar ng pagdadausan ng Heronation, malamang ay hindi magbago ng isip ang Hero TV sa mga bagay na ito. Well, naging tulong na rin ang bagyong Ondoy sa kanilang mga panawagang i-reconsider ang pagdaos ng Hero TV event sa naunang ibinalitang petsa at lugar ng CSCENTRL.

For the record, hindi namin kinakalaban ang Hero TV sa balitang ito. Ang aming mga sinasabi dito ay base sa obserbasyon ng aming mga kasamahan, maging ang mga pahayag ng iba pang mga Pinoy anime fans kaugnay nga ng pagpili ng Hero TV sa SM Marikina. Nauna na naming nasabi na kahit sa sinasabing Cyberzone area o kahit upahan pa ang 2 floors ng SM Marikina ay hindi sapat na ma-accomodate ang minimum na 30,000 na mga dadalo sa taunang Hero TV event.

Base na rin sa sagot ng AAP, gaganapin sana ang Heronation sa “covered lot” ng SM Marikina na kasing-laki daw ng 2 halls ng SMX Convention Center na pinagdausan ng H3 2007. Pero base sa naging mga ulat, mukhang ang naturang lugar ay hindi rin nakaligtas sa bagsik ng bagyong Ondoy.

Inakusahan man kaming sinungaling ng CSCENTRL at AAP, tunay nga namang nakakagulat at nakakabahala ang kanilang mga iniulat. Mahalaga man sa ating lahat na makakalap ng balita at impormasyon. Kung kami ang tatanungin, kung makakuha man kami ng impormasyon, hindi namin agad ito inilalabas. Dahil naniniwala kaming kahit anong bali-balita at impormasyon ang naglalabasan sa katulad nitong internet, ang nasa mismong mga tao, grupo, kumpanya, TV network pa rin ang huling salita.

Sa kaso ng Hero TV at Heronation, una namin itong nalaman mula sa isa sa mga dubbers at dubbing director ng Hero TV na si Mr. Pocholo Gonzales, na sinabing Heronation na ang bagong pangalan ng anime event ng Hero TV. November 2009 at walang binanggit na lugar ang idinagdag ng dubber. Mula nang makuha namin ang impormasyon na iyon noong August 8, hindi pa namin inilalabas ang balitang ito hanggang sa lumabas nga ang news item mula nga sa Multiply site ng CSCENTRL noong September 7, halos isang buwan na ang lumipas mula nang makausap namin si Mr. Gonzales.

Tulad ng nauna kong sinabi, nagulat nga kami sa naging labas ng balita. Pero tulad ng aming ginagawang protocol, hayaan at hihintayin naming ang Hero TV na mismo ang mag-anunsyo. At noong ngang kasagsagan ng Cosplay Mania 2009, napanood ng kasama kong admin sa ZOH na si Jamibu ang teaser ng Heronation, na sinasabing November 2009 at wala pang binabanggit na lugar. Parehong-pareho ng ibinigay na impormasyon sa amin ni Mr. Gonzales.

Tulad ng naging sagot ng AAP sa amin, tunay ngang inconvenient ang naging maagang anunsyong ito. Pero dahil nagpaumanhin sila sa amin dahil inaasahan nga nila ang pagliligalig ng mga nakabasa sa balita, buong puso namin itong tatanggapin.

Kung pag-aakusa man ang ginagawa namin sa CSCENTRL, ito ay dahil sa hindi nga naman magandang petsa at lugar na pagdadausan ng Heronation. Kung magagawa nga naman ng Hero TV na talunin ng kanilang matinding effort ang maintrigang lugar sana ng pagdadausan, malamang na tanggapin pa namin. Come to think of it, with a date like November 7 and a place that is NOT commonly known for conventions/events, how Hero TV can compete with Level Up! Live that will be held at a bigger World Trade Center?

I will give Hero TV a round of applause. Even better, a standing ovation. Sa aking pananaw, ito na siguro ang pinakamagandang desisyon na kanilang ginawa mula nang sila ay maglunsad noong 2005. Mas isinaalang-alang nila ang kaligtasan ng mga dadalo (dahil nga sa naging bagsik ng bagyong Ondoy), at ang kasiyahang posibleng mas maranasan ng mga event goers. Sana naman sa kanilang pagbabagong-isip ay ilagay na sa tamang petsa at tama, komportableng lugar ang Heronation. Sinasabi ko sa inyo, mas magiging kasiya-siya ang mga pupunta kung ito ay inyong gagawin.

Mabuti na lang, mas nangibabaw ang aming protocol. Sa bandang huli, Hero TV pa rin ang magsasabi kung saan at kailan gaganapin ang Heronation. Saka na kami susunod na magbibigay ng karagdagang impormasayon. Ang sa amin lang, ayaw naming malagay sa matinding kompromiso ang aming mga ilalabas na balita. We let the people behind the news speaks before we follow.

~~~~~~~~~~

Sa pagkakataong ito ay nakikiramay po ako sa lahat ng mga nasalanta ng bagyong Ondoy.

Tunay ngang maraming namatay, nasalanta at naapektuhan ang iniwan ng naturang bagyo.

Ito na talaga ang matinding epekto ng Climate Change at Global Warming.

Pero sa halip na magturuan at magsisihan kung sino ang dapat managot sa mga nangyari ay umpisahan muna nating ibangon ang mga kababayan nating mas kailangan ngayon ng tulong.

Ipaabot sa mga kinauukulan ang inyong tulong na maaari ninyong ibigay. Regardless kung saan ninyo ito dalhin, makatitiyak kayong makakarating ito sa mga mas nangangailangan.

Ipinapaabot ko sa kanilang lahat ang aking maikling panalangin na sana ay makabangon tayo sa matinding pagsubok na ibinigay sa atin ng Poong Maykapal.

Panginoon, pagpalain po Ninyo ang bansang Pilipinas.

Ipinaskil sa ABS-CBN, Hero TV, Zen Otaku Honbu | 1 Puna »

Utang na Loob. Heronation. OV 2009.

Ipinaskil ni Anime Kabayan sa Setyembre 21, 2009

Putek!

Hanggang ngayon ay may mga taong sampalataya sa mga ginawa ng GMA 7 noon… AND I MEAN, NOON! Sinasabi nilang utang natin sa GMA 7 ang pagkakaroon ng mga anime events na katulad ng nararanasan natin ngayon.

Mukhang ang sinasabi nilang anime event ay yung AnimExplosion noong taong 2000. Sa pagkakatanda ko, kasama ng GMA 7 ang DWLS-FM 97.1, Channel [V] at Animation Council of the Philippines.

Yung Anime Quest naman, duda akong GMA 7 ang nagpakana nito. Sa event title pa lang, kita nang Questor Magazine/TSP na ang naka-isip ng konseptong ito. But for some reasons, hindi siya ginanap sa malakihang lugar.

But after few years, nakikita kong puro AXN Asia, Animax Asia/Philippines na ang nagsasagawa ng kanilang mga sariling events.

Kung titingnan naman natin ang takbo ng mga anime events ngayon, sumasakay lang naman ang GMA 7 sa ilang mga events. Nagpapadala ng mga kamera at reporter para interbyuhin ang ilang sa mga organizer at ilan sa mga dumalo. Yun lang. But it doesn’t mean na malaki na ang ginawa ng GMA 7 sa event na iyon, sa simpleng tutok sa kamera at mikropono sa mga taong mas nagpakahirap na isagawa ang isa o dalawang buong araw na mga events.

Kung hindi naman sa ginagawa ng Hero TV, lalo na sa taunang event nila, hindi uusbong ang mga katulad ng Cosplay.PH, WTF?! Cosplayers, L.A.M.E. Cosplayers at iba pa. I can say na mas umusbong ang anime fandom sa tulong ng mga ito.

Hindi maganda kung patuloy nating tatanawin ng malaking utang na loob ang GMA 7, kung alam naman nating hindi maganda ang ginagawa ng network na ito sa nakalipas na mga taon. Ilang ulit na natin silang binigyan ng pagkakataon na patunayan ang kanilang halaga sa mga manonood na anime fans, pero may mga elemento at tao talagang pumipigil sa GMA 7 sa kung anuman ang dapat nilang gawin para sa natatanging mga manonood. Nariyan ang mga foreign acquisition department, ang mga resident dubbers ng Alta, ang programming department, kahit ang mga moderators at administrators ng anime section ng iGMA.tv forums. At siyempre, ang stupido at eroganteng mga forumer na tunay ang ginagawang kasiraan sa mga nagtataguyod ng Philippine Anime.

April 2009 nang ilabas nila ang kanilang anime line-up, pero malapit nang mag-October, ni isa sa mga bagong titles nila, hindi pa nagmamaterialized. Yung Hayate The Combat Butler sa QTV 11, mukhang kumukuha lang sila ng pagkakataon para magpalabas ng anime sa gitna ng kasalukuyang estado ng ABS-CBN 2 at TV5.

~~~~~~~~~~

Hindi ko naman maintindihan sa CSCENTRL kung paano nila paninindigan ang kanilang naunang ulat tungkol sa gagawing anime event ng Hero TV.

For the record, noong September 7 sa kanilang Calendar at Blog section ng CSCENTRL Multiply site, binanggit nila na ayon sa kanilang nakalap, na later ay ini-refer nila si Mr. Jerico Catalan, isang mataas na opisyal ng Hero TV, na ang Hataw! Hanep! Hero 2009 ay gaganapin sa November 7 sa SM Marikina.

Pero kung titingnan naman ang naging impormasyon na nakalap naman ng ZOH sa pamamagitan ni -KiRa-YaMaTo- noong kinover niya ang Metro Comicon noong August 8 sa SM Megamall, sinabi ni Mr. Pocholo Gonzales, isa sa mga dubber at dubbing director ng Hero TV, na bago na ang title ng anime event ng Hero TV – Heronation. Binanggit din nito sa November ito gaganapin.

At sa kasagsagan naman ng coverage ng ZOH sa Cosplay Mania 2009, nasaksihan ni Jamibu, isa sa mga co-administrator ng ZOH ang teaser sa Hero TV kaugnay nga nitong Heronation. November 2009 din ito at wala pang binanggit na lugar.

But later after na maipalabs ang teaser, binanggit na ng CSCENTRL na Heronation ang event title ng Hero TV.

Kung pagsasama-samahin ang lahat ng mga impormasyong ito, maraming mga anggulo ang dapat tingnan:

Una, mas maaga ba sa August 8 nalaman ng CSCENTRL ang impormasyon tungkol sa Hero TV event? Kung oo, malamang na H3 pa rin ang binanggit ng mga nagbigay ng impormasyon bago sumapit nga ang August 8 kung saan Heronation naman ang binanggit ng aming impormasyon.

At pangalawa, hindi na siguro isyu kung ano ang pangalan ng Hero TV event. Mas pagtuunan natin ng pansin ang binanggit ng CSCENTRL na mga petsa at lokasyon…

November 7. Ayon naman sa aming nakalap na balita, ang makakatapat ng petsang ito ay ang Level Up! Live, na gaganapin naman sa World Trade Center sa Pasay City.

Well, hindi naman siguro malaking isyu ang petsa, pero paano ang lugar?

SM Marikina. Kung kaming mga nasa ZOH ang tatanungin, saang espasyo naman sa lugar na iyon gagawin ang event? Nabanggit sa aming usapan ang tungkol sa Cyberzone area, na sa pagkakalarawan nila ay hindi sapat ang lugar para sa katulad ng Heronation. Tiningnan din namin ang posibilidad na sa Parking Lot naman ng naturang mall ganapin ito, pero baka naman bahain ang lugar na iyon.

Kung sinasabi naman ng CSCENTRL na pinal na ang petsa at lugar na pagdadausan ng Heronation, base sa aming mga pagsasaliksik, madali na sa mga dadalo kung anong event ang kanilang pupuntahan – kung ang Level Up! Live o ang Heronation.

Hindi na rin siguro namin iistorbohin ang mga katulad ni Mr. Catalan kung magtatanong lang naman kami tungkol dito. Lumabas na kasi ang mga balita, at alam nyo na siguro kung ano ang totoo sa mga ito.

Kung totoo man ang petsa at lugar ng Heronation, sana ay hindi ito mapunta sa matinding kompromiso, tulad ng nangyari daw sa Shizen Orchestra at AME 8th Avenue.

Kung doon talaga ang tuloy ang event, hayaan nating ang mga tao na ang humusga.

~~~~~~~~~~

Ipinagmamalaki naming sabihin sa inyo na sa taong ito ng 2009, ang Zen Otaku Honbu at ang Cosplay.PH, kasama ng iba pang mga partner/affiliate sites ay magiging magkatuwang sa paghatid ng pinakamalaki at pinaka-komprehensibong year-end poll ng Pinoy Anime, ang OTAKU’S VERDICT!

Maraming maraming salamat po sa Cosplay.PH, lalo na kay Mr. Pablo Bairan, ang Marketing Head sa kanyang walang sawang pagsuporta at pagtitiwala sa ZOH, lalo na sa kanyang paggabay sa aming Ka-Honbu, ang aming Chief Anime Correspondent na si -KiRa-YaMaTo-.

Mabigat man ang responsibilidad na inatang sa amin, ngunit pagsisikapan naming maiparating sa kinauukulan ang tinig ng mga Pinoy anime faithfuls. Kahit anong pagtatakip, paglalansi, kontradiksyon at paninirang ginagawa ng mga di-makataong grupo, mga arogante, stupido at baklang nilalang laban sa amin, naniniwala kaming mananaig ang tunay na pulso ng mga Pilipinong tumatangkilik sa anime na 30 taon na’ng nagbibigay ng kasiyahan sa bansang lugmok sa kahirapan, kalamidad at sobrang pamumulitika.

Bisitahin lang ang mga sumusunod na website para sa kabuuan ng OV 2009:

http://otakusverdict.cjb.net/

Ipinaskil sa ABS-CBN, GMA, Hero TV, Zen Otaku Honbu | 1 Puna »